Posts

“Social Media at ang Modernong Kabataan”

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mgasocial media ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon, at kasabay nito ang pagusbong ng modernong kabataan . Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon sa ating pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar. Ano nalang ang buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi masyadong outgoing,mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng bagong impormasyon at mga gustong magpasikat. Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga kabataan. Pinagtitibay nito ang isang aspeto ng kultura natin,  ang pagpapa-...